Noong Hulyo 20, 2013 ko lamang napanuod ang pelikulang 4
Sisters and a wedding. Maganda ang palabas na aking nasaksihan. Ang Pelikula ay may
halong drama, katatawanan, pagmamahal sa pamilya, at pagmamahalan ng
magkasintahan.Ang kwento nito ay tungkol sa isang lalake na magpapakasal
na, ngunit ayaw ng kanyang apat na kapatid na babae, dahil ayaw nila dun sa
babae para sakanilang kapatid na lalake. Mayaman ang pamilya nung babae, ngunit
ang kanyang mga magulang ay mayabang at mata-pobre. Ang mga kapatid nung lalake
ay gumagawa ng paraan upang mapigilan ang kasalan ng dalawa. Habang tumatagal, lumalabas na ang mga sikreto ng bawat babaeng kapatid, at pati na din ang mga
problemang kinakaharap ng bawat isa, hangga’t nakarating na ito sakanilang
nanay. Nalaman din ng lalake ang plano ng kanyang apat na kapatid na sirain at
hindi maituloy ang kanilang kasalan.
Pinagusapan ng buong pamilya ang kanilang mga problema tungo
sa isa’t, problema ng bawat isa, mga pagkukulang at pagkakamali na nagawa nila.
Hanggang silang lahat ay nag kaayos. Nakakalungkot mang sabihin, ang lalake na
dapat na magpapakasal sa babae ay hindi natuloy, subalit ang isang ate naman
niya ang nagpakasal. At lahat sila ay namuhay ng masaya muli.
Pagkatanto
Una kong napansin sa aking napanuod ay ang lugar na pinag-ganapan ng mga eksena, napansin ko na karamihan ay nasa loob lamang ng bahay, at puro kwentuhan at diskusyon lamang ang kanilang ginagawa. Pangalawa ang kanyang mga ate ay mapanghusga subalit maalagain at mahal na mahal ang pamilya. Nasabi kong mapanghusga dahil noong nalaman nila na ikakasal na ang kanilang kapatid, hinusgahan na kaagad nila ang mapapangasawa ng kanilang kapatid, sinabihan pa ito ng "chararat" na ang ibig sabihin ay pangit. Nasabi ko namang maalagain at mahal na mahal ang pamiya dahil ang mga nakakatandang kapatid na babae ay nagtatrabaho para sakanilang pamilya, hindi nila pinapabayaan, at sila din ang nagpapaaral sa kaninlang bunsong kapatid. Ang masasabi ko naman sa kanilang bunsong kapatid na lalake ay magpapakasal kaagad, sila ay apat na buwan pa lamang ng kaniyang kasintahan magpapakasal na kaagad, maganda at katanggap tanggap kung matagal na silang magkarelasyon at kilala na nila ang isa't isa. At huli, ang nanay nila, ang nanay nila, kahit na sila'y matatanda na, hindi pa din nagbago ang pagmamahal ng kanilang inay para sakanila, at handang tanggapin kung ano man ang nakamit nila sa buhay, Masasabi ko na maganda ang pelikulang ito, maraming matutunan tungkol sa isang pamilya at relasyon sa ating kasintahan at kapatid.
Sa bawat pamilya ay mayroong iba’t ibang ugali. Mayroong
isang anak na magaling sa ganito, may isang anak magaling sa ganyan, yung isa
paborita ng nanay, yung isa paborito ng tatay, at kung ano ano pa. Bawat anak
ay may kanya kanyang nararamdaman tungo sakanilang pamilya. Ngunit kailangan
natin malaman na ang tanging matatakbuhan lamang natin sa oras ng problema ay ang
ating pamilya. Ang pamilya natin ang laging nandyan at hinding hindi tayo iiwan
kahit na ano at sino ka pa. Pamilya ang laging nandyan para tayo ay suportahan
at tulungan sa bawat desisyon na ating gagawin, sila din ang mga taong kaya
tayong tanggapin kung ano man tayo, nang hindi tayo hinuhusgahan.
Sa panahon ngayon, sa dami ng mga taong nakapaligid sa atin,
tanging ang pamilya natin ang ating matatakbuhan sa lahat ng oras. Sa bawat
tawanan, iyakan, kulitan, at sa oras ng pagmamahalan. Tanging ang pamilya
lamang ang nakakapagpuno ng pagmamahal na kulang sa ating puso.
“Ang Pamilya Ay Hindi Lamang Matatagpuan Sa Ating Tahanan.
Sa Bawat Puntahan Natin, Tayo’y Makakahanap Ng Mga Taong Kayang Tanggapin At
Mahalin Tayo ng Buong Puso’t Pagkatao.”
Joshua
Socito Gonzalo
Colegio de San Juan de Letran, BS-ND2A
Colegio de San Juan de Letran, BS-ND2A
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento